
Ang Sen. Chiz Escudero at Makati Mayor Nancy Binay ay nadawit sa umano’y anomalya sa flood control fund. Lumabas ang pangalan nila sa ginawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 25.
Inamin ni dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo na may kinalaman siya sa kontrobersiya. Sinabi rin niya na totoo ang naunang pahayag ni dating district engineer Henry Alcantara na nagdidiin kay dating Sen. Bong Revilla at Rep. Zaldo Co.
Matapos ang kanyang pag-amin, humiling si Bernardo na maging state witness. Agad namang inaprubahan ang kanyang paglipat sa kustodiya ng Department of Justice matapos irekomenda ni Justice Secretary Boying Remulla.
Ang isyu ay patuloy na iniimbestigahan dahil bilyon-bilyong piso ang nakasalalay sa pondong inilaan para sa flood control projects.