
Ang isang 55-anyos na lalaki ay sumuko sa pulis matapos aminin na siya ang sumaksak sa 15-anyos na binatilyo sa isang protesta sa Recto Avenue, Manila nitong Linggo.
Ayon sa ulat, ang biktima ay tinamaan ng saksak sa likod at hindi na nakaligtas. Paliwanag ng suspek, nainis siya nang makita ang mga kabataang nagbabasag ng mga pwesto at hindi niya napigilan ang sarili.
“Nagalit na ako kasi marami na silang binabasag… Nablangko na ako,” sabi ng suspek na isang mananahi ng relo sa lugar. Humingi rin siya ng paumanhin sa pamilya ng biktima at sinabi na hindi niya alam na menor de edad ito.
“Pasensya na kasi hindi ko naman sadya. Hindi ko rin alam na 15-anyos siya kasi matangkad,” dagdag niya. “Sana wala nang mangyaring ganitong gulo at riot.”
Ayon kay Lt. Col. Arwen Nacional, kusang loob na sumuko ang suspek sa Manila Police District Station 14 noong Lunes ng gabi. Siya ay kasalukuyang nakakulong at haharap sa kaso ng homicide.