Ang Jetour X70 Lightning i-DM 7-seater ay mas mura na ngayon matapos ibaba ang presyo mula ₱1,648,000 tungo sa ₱1,498,000. Ibig sabihin, may ₱150,000 na tipid para sa mga pamilyang naghahanap ng SUV na maluwag, matipid sa konsumo, at puno ng modernong teknolohiya.
Bilang isang plug-in hybrid (PHEV), kaya nitong tumakbo gamit ang kuryente para sa maiikling byahe sa siyudad habang may kasamang gasolina engine para sa malalayong biyahe. Dahil dito, mas mababa ang konsumo sa gasolina, mas kaunti ang usok, at abot hanggang 1,200 km ang kabuuang range kapag puno ang karga at tangke.
Mas lalo itong nagiging kaakit-akit para sa mga pamilya dahil pinagsasama nito ang value, practicality, at comfort. Hindi lang ito tungkol sa presyo, kundi sa pagbibigay ng innovation na hindi nakokompromiso.
Kumpirmado rin na may paparating pang bagong modelo sa Lightning i-DM series. Bagama’t hindi pa ibinubunyag ang lahat ng detalye, aasahan ng mga Pinoy ang mas abot-kayang SUV na magdadala ng kombinasyon ng praktikalidad, sustainability, at advanced features.
Ayon kay Miguelito Jose, Managing Director ng Jetour Auto Philippines: “Ang bagong presyo ng Jetour X70 Lightning i-DM ay tugon sa hiling ng mga Pinoy—isang sasakyan na may intelligent dual-motor technology, maluwag, at kumportable para sa pamilya, ngayon mas abot-kaya.”