
Ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nagbabala sa mga Pilipino na may H-1B visa sa Estados Unidos na umiwas muna sa paglalakbay palabas ng U.S. Habang hindi pa malinaw ang bagong patakaran ni U.S. President Donald Trump na may dagdag bayad na halos ₱5.9 milyon (USD 100,000) para sa visa.
Ayon sa DFA, maaaring sapilitang pagbayarin ang mga employer ng kanilang mga empleyado sa malaking halaga na ito kapag bumalik sila sa Amerika. Kaya kung hindi maiiwasan ang pagbiyahe, dapat makipag-ugnayan muna ang mga Pilipino sa kanilang kumpanya bago umalis.
Dagdag pa ng DFA, maliit lang ang apektado dahil nasa 1.3% lang ng kabuuang H-1B visa holders ang mga Pilipino. Ang mga may visa na naaprubahan bago Setyembre 21 ay hindi kasama sa bagong patakaran at maaari pa ring bumiyahe. Ang renewal ng visa ay hindi rin apektado.
Sinabi rin ng DFA na binabantayan ng Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. ang pagpapatupad ng bagong panuntunan at handa silang tumulong sa mga Pilipinong maaapektuhan.
Ang H-1B visa program ay nagbibigay daan sa mga kompanya sa U.S. na pansamantalang kumuha ng mga propesyonal mula ibang bansa sa larangan ng healthcare, technology, at finance. Pinakamalakas ang epekto ng bagong polisiya sa mga manggagawa mula India at China na bumubuo ng malaking bahagi ng aplikasyon.