
Ang adidas ay opisyal nang apparel partner ng Audi Formula 1 team. Sa bagong multi-year partnership, sila ang gagawa ng opisyal na kasuotan para sa team na pagsasamahin ang fashion at performance.
Ang unang koleksyon ay ilalabas bago magsimula ang 2026 season. Ang disenyo ay nakatutok sa clarity at precision, na sumasalamin sa bagong design philosophy ng Audi.
Ayon kay Gernot Döllner, CEO ng Audi, ang partnership na ito ay hindi lang tungkol sa innovation kundi sa shared values ng dalawang brand. Dagdag pa ni Bjørn Gulden, CEO ng adidas, ang pagsasama ng apat na singsing at tatlong guhit ay simula ng bagong kabanata sa motorsport.
Si Jonathan Wheatley, Team Principal ng Audi F1 Team, ay nagsabi rin na ang adidas ay magbibigay ng technical gear para sa mas mataas na performance at may plano rin silang gumawa ng bold activations at unique experiences sa labas ng karera.
Mag-abang para sa higit pang detalye tungkol sa partnership bago magsimula ang Audi sa Formula 1 sa taong 2026.