
Ang Bureau of Immigration (BI) ay nagpa-deport ng 6 na Hapones na sinasabing miyembro ng kilalang sindikatong “JP Dragon.” Ayon kay BI deportation unit chief Alex Arciaga, umalis ang mga suspek sakay ng Japan Airlines papuntang Tokyo noong Setyembre 10.
Kabilang sa mga ipnadeport ay sina Hiraki Ishikawa (46), Tsubasa Amano (30), Akira Sambonchiku (26), Naoto Matsumoto (36), Rintaro Yamane (28), at Masato Morihiro (38). Naaresto sila noong Mayo 21 sa magkahiwalay na operasyon sa San Jose del Monte, Bulacan at Ermita, Maynila.
Batay sa ulat ng mga awtoridad sa Japan, ang sindikatong JP Dragon ay sangkot sa malakihang panloloko sa mga nakatatanda. Ang kanilang paraan ay pagpapanggap bilang pulis para makuha ang mga ATM card at impormasyon sa bangko ng mga biktima.
Lima sa kanila ay may warrant of arrest sa Fukuoka, Japan dahil sa kasong pagnanakaw, habang si Matsumoto naman ay nahuling overstaying. Lahat sila ay blacklisted at hindi na papayagang makabalik sa Pilipinas.
Kung ikukumpara, ang mga operasyon ng grupo ay tinatayang may halagang milyon-milyong piso mula sa panloloko sa mga biktima sa Japan.