
Ang Italy at Japan ay dumating na sa Pilipinas para sa FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.
Ang World No. 2 Italy, pinamumunuan ni Simone Giannelli, ay nagbabalik para ipagtanggol ang kanilang titulo matapos magwagi noong 2022. Makakaharap nila sa Pool F ang Ukraine, Belgium, at Algeria.

Samantala, ang World No. 5 Japan, pinamumunuan nina Yuki Ishikawa, Ran Takahashi, at Yuji Nishida, ay naghahangad ng gintong medalya. Inaasahang magiging panlaban nila ang suporta ng mga Pinoy fans bilang kanilang “seventh man.”

Narito na rin sa bansa ang Team USA (World No. 6) na pinangungunahan ni Micah Christenson. Noong Linggo naman, unang lumapag ang World No. 1 Poland na makakaharap ang Netherlands, Qatar, at Romania sa Pool B.
Kasama ring nakarating ang mga karibal ng Alas Pilipinas sa Pool A — ang Iran, Egypt, at Tunisia. Ang torneo ay tatakbo mula Setyembre 12 hanggang 28 sa Mall of Asia Arena at Araneta Coliseum.