
Ang sikat na Mak’s Noodle, na kinilala ng Michelin Bib Gourmand dahil sa kanilang masarap na wonton noodles, ay darating na sa Pilipinas. Hindi mo na kailangang bumiyahe pa papuntang Hong Kong para malasahan ito.
Nakatakdang magbukas ang unang branch sa SM Mall of Asia sa Pasay City ngayong Disyembre. Isa pang branch ay inaasahang magbubukas din sa SM Megamall sa Mandaluyong, pero wala pang tiyak na petsa.
Kilalang-kilala ang Mak’s Noodle dahil sa kanilang signature dish: malambot na egg noodles, wonton na puno ng hipon, at malinamnam na sabaw. Kabilang din sa mga dapat tikman ay soup dumpling noodles, beef tendon noodles, brisket noodles, at pig liver noodles. Presyo ng isang mangkok ay naglalaro mula ₱400 hanggang ₱600.
Sa loob ng maraming taon, naging paboritong puntahan ang Mak’s Noodle ng mga food lovers na naghahanap ng authentic na Hong Kong flavors. Ngayon, mas madali na itong matitikman ng mga Pilipino.