Ang Department of Health (DOH) kasama ang iba’t ibang grupo ay nagsagawa ng Nationwide TB screening at serbisyo para sa mahigit 7,000 katao sa 17 rehiyon. Libre ang mga serbisyong ibinigay tulad ng chest X-ray, Tuberculin Skin Test (TST), sputum test, HIV testing, at health education.
Layon ng DOH na mapalawak at mapabilis ang Tuberculosis Preventive Treatment (TPT) na napatunayang epektibo laban sa TB. Karaniwang ibinibigay ito sa mga taong na-expose sa may TB, Persons Living with HIV, at sa may iba pang sakit o mahina ang resistensya.
Ayon sa Integrated Tuberculosis Information System (ITIS), umabot sa 192,733 kaso ng TB mula Enero hanggang Hunyo 2025. Layunin ng DOH na bawasan ang bilang ng may TB sa bansa at makamit ang TB-free Philippines sa pamamagitan ng mas pinaiigting na mga proyekto sa iba’t ibang rehiyon.