
Ang isang rights group sa Indonesia ay nag-ulat na 20 katao ang nawawala matapos ang marahas na protesta na kumalat sa iba’t ibang lungsod. Nagsimula ang kilos-protesta dahil sa luho at pribilehiyo ng mga mambabatas, pero mas lumala matapos mamatay ang isang delivery driver na nasagasaan ng armoured vehicle ng pulis.
Umabot na sa anim ang namatay mula nang magsimula ang protesta noong nakaraang linggo. Dahil dito, napilitan si Pangulo Prabowo Subianto na umatras sa pagbibigay ng perks sa mga mambabatas.
Ayon sa grupo ng KontraS, 23 ang naiulat na nawawala, ngunit 20 katao pa rin ang hindi natatagpuan hanggang Lunes. Karamihan sa mga ito ay mula sa Bandung, Depok, at iba’t ibang distrito ng Jakarta.
Mahigit ₱4,000 ang halaga ng multa at gastos na kinakaharap ng mga naaresto, ayon sa lokal na ulat. Sa kabuuan, higit 1,200 katao ang hinuli sa Jakarta simula Agosto 25, at karamihan ay mga kabataan. May ilan ding naitalang Molotov attacks at pagsunog ng bus stop.
Nanawagan ang United Nations ng masusing imbestigasyon sa paggamit ng labis na puwersa ng mga otoridad laban sa mga nagpoprotesta.