
Ang bilang ng mga nakakaranas ng gutom sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom program ay bumaba nitong Marso, ayon sa ulat ng SWS survey.
Mula Oktubre 2024 hanggang Marso 2025, bumaba ng 7.2% ang hunger incidence: mula 48.7% noong Oktubre, naging 44.6% noong Disyembre at bumaba pa sa 41.5% nitong Marso.
Pinakamalaking pagbaba ay nakita sa BARMM-plus cluster (Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, at Zamboanga Sibugay) na umabot sa 17.4 percentage points. Halos isang-katlo ng mga benepisyaryo ng programa ay nasa BARMM, kung saan pinakamataas din naitala ang gutom.
Ayon kay SWS fellow Roehlano Briones, may patuloy na pagbuti sa iba’t ibang lugar at aspeto ng kalidad ng pagkain ng mga benepisyaryo ng Walang Gutom program.