Ang bagong Melomania P100 SE wireless headphones ay inilunsad na may 100-hour battery life, isang tampok na bihira sa market ngayon. Dinagdagan pa ito ng luxuriously cushioned headband para sa mas komportableng pakikinig kahit sa mahabang oras.
Bukod sa tibay ng battery, ang 40mm drivers na may neodymium magnets ay meticulously retuned upang magbigay ng mas dynamic sound, lalo na kapag mataas ang volume. May kasama rin itong DynamEQ technology na tumutulong mapanatili ang balanse ng tunog kahit mahina ang volume.
Para sa dagdag na kontrol, may updated na Melomania Connect app sa iOS at Android kung saan pwedeng ayusin ang tunog gamit ang anim na sound presets depende sa genre.
Available ang Melomania P100 SE sa tatlong kulay – blue, black, at white. Ang presyo nito ay nasa ₱16,800 (approx. $299 USD).
Sa kabuuan, ang bagong P100 SE ay mas komportable, mas malakas ang tunog, at perfect para sa mga mahilig sa music na gusto ng long-lasting battery at premium na performance.