
Ang senador na si Erwin Tulfo gusto nang kasuhan ng DOJ ang mga contractor, opisyal ng DPWH, at ilang pulitiko na sangkot sa ghost at substandard flood control projects. Ayon kay Tulfo, trilyong piso ng pera ng bayan ang ninakaw, kaya dapat silang panagutin.
Aniya, sapat na ang ebidensya mula sa mga isiniwalat ng Pangulo at senador na si Ping Lacson para makasuhan at makulong ang mga “kawatan.” Binigyang halimbawa niya, kung ang shoplifter na kumuha lang ng ilang piso ay ikinukulong, mas dapat parusahan ang mga nagnakaw ng trilyong halaga sa gobyerno.
Base sa ulat ng DPWH, P1.2 trilyon ang nagastos simula 2022 hanggang ngayon para sa flood control. Labin-limang contractor ang naghati-hati sa pondo, at marami sa kanilang proyekto ang palpak ang pagkagawa.
Ilan sa mga contractor na nagpa-rent ng lisensya ay Legacy Construction, Alpha and Omega Contractors, St. Timothy Construction, EGB Construction, at Road Edge Trading. Samantala, tatlo naman ang sangkot sa ghost projects sa Bulacan: Wawao Construction, Symp Construction, at Darcy and Anna Builders & Trading.
Sen. Tulfo naniniwala na dapat managot lahat ng sangkot, lalo na’t milyon-milyong piso ng pondo ng bayan ang nasayang sa mga palpak at pekeng proyekto.