
Ang hostage-taking ay naganap sa Baliwag Public Market sa Barangay Poblacion, Baliwag, Bulacan, pasado ala-una ng madaling-araw nitong Miyerkules. Isang 16-anyos na vendor ng cellphone ang tinutukan ng patalim ng isang lalaki habang nagbabantay sa tindahan.
Ayon sa saksi, hawak ng suspek ang bata, ngunit sinubukan niyang kalmahin ang lalaki at ayusin ang sitwasyon. Bago ang insidente, sinaksak ng 46-anyos na suspek ang 25-taong-gulang na vendor at isang 48-anyos na security guard na tumulong. Tinamo ng babaeng vendor ang saksak sa ulo at ang security guard naman sa tiyan, ngunit hindi delikado sa buhay.
Ayon sa pulis, ginamit ng suspek ang isang kitchen knife na may haba na 14 inches. Hinabol siya ng ibang vendors kaya napilitan siyang gawing hostage ang 16-anyos. Nagkaroon ng negosasyon ang mga pulis, at nagkaroon ng pagkakataon upang mapahupa ang sitwasyon.
Paliwanag ng suspek, nagipit siya kaya nagawa ang krimen. Sinabi niya, “Pasensya na, nagipit lang ako at wala akong matatakbuhan. Pang-proteksyon ko lang, dahil nade-depress na ako at parang may nakabuntot sa akin.”
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Baliwag City Police Station ang suspek at nahaharap sa kaso ng two counts of attempted homicide at serious illegal detention.