Ang LEGO ay nagdala ng mahika ng Hogsmeade sa bagong Harry Potter Collectors’ Edition set. May 3,228 piraso, tampok ang pitong iconic na gusali na natatabunan ng niyebe, kasama ang Zonko’s Joke Shop, Hog’s Head Pub, Honeydukes, at Three Broomsticks. May mga detalyadong loob ng gusali na may kasamang mga aksesoris mula sa pelikula tulad ng Butterbeer at Exploding Bon Bons, pati na rin ang lihim na pasilyo sa likod ng portrait ni Ariana Dumbledore.
Kasama sa set ang 12 minifigures, kabilang sina Harry, Ron, Hermione, Professor McGonagall, at Aberforth Dumbledore. Maaaring ipakita ang Hogsmeade nang mag-isa o ikonekta sa iba pang Harry Potter sets para sa mas malaking wizarding display.
Mag-uumpisa ang LEGO Insiders Early Access sa Setyembre 1, 2025, sa halagang ₱23,000 (approx. conversion mula $399.99 USD). Ang general release ay sa Setyembre 4. Sa unang linggo ng Setyembre, may mga espesyal na regalo para sa mamimili tulad ng Room of Requirement (bili ng ₱8,000 pataas), Quidditch Lesson (bili ng ₱2,500 pataas), at eksklusibong Hogsmeade Sign para sa LEGO Insiders.
Sa detalyadong disenyo, maraming puwang para sa display, at collectible extras, ang Hogsmeade Village – Collectors’ Edition ay isa sa pinakamagical na LEGO Harry Potter set sa taon.