
Ang Perplexity AI nitong Agosto 12, 2025, ay nag-alok bumili ng Chrome browser mula sa Google sa halagang $34.5 bilyon o humigit-kumulang ₱2.1 trilyon. Mas doble ito sa kasalukuyang halaga ng Perplexity, na nasa pagitan ng $14 bilyon hanggang $18 bilyon.
Perplexity AI hindi isinapubliko kung paano nila babayaran ang alok, ngunit sinabi nilang maraming pondo ang handang tustusan ito ng buo.
Kasama sa alok ang pangako ng Perplexity na panatilihing bukas ang Chromium engine, na siyang nagpapatakbo sa Chrome, at mag-invest ng $3 bilyon o humigit-kumulang ₱186 bilyon sa proyektong ito.
Pinangako rin ng Perplexity na hindi babaguhin ang default settings ng mga user ng Chrome, kabilang ang default search engine, para patuloy pa rin magamit ng tao ang Google search kung gusto nila.
Balitang ito ay sumusunod sa tumitinding pressure laban sa Google na maaaring bawasan ang monopoly nito sa search o ibenta ang Chrome, kasabay ng ibang malaking alok ng Perplexity nitong nakaraang taon.