Ang Italianong atleta na si Mattia Debertolis ay pumanaw sa edad na 29 matapos bumagsak habang nakikipagkompetensya sa World Games sa Chengdu, China.
Natagpuan si Debertolis na walang malay noong Biyernes, 8 Agosto 2025, sa Men's Middle Distance competition sa Orienteering. Agad siyang dinala sa isang nangungunang ospital sa China ngunit pumanaw noong 12 Agosto 2025.
Ayon sa IOF, labis ang lungkot sa pagkamatay ni Mattia. Hinikayat nila ang buong komunidad ng orienteering na parangalan ang kanyang alaala.
Si Debertolis ay mahilig sa cross-country skiing at football noong bata pa, ngunit pinili ang orienteering dahil sa kanyang hilig sa pag-navigate. Siya rin ay civil engineer at nag-aaral ng PhD sa Stockholm, kung saan miyembro siya ng orienteering club na IFK Lidingö.
Siya ay bahagi ng Italian Orienteering Federation at lumahok sa maraming World Championships at World Cups. Isa sa kanyang career highlights ay ang pagtulong sa Italy na makakuha ng fifth place sa Relay sa 2022 World Cup Final. Sa mga susunod na mountain bike orienteering races sa Poland, itataas ang mga watawat sa half-mast bilang pag-alala kay Debertolis.