Sumabog ang Kilauea Volcano sa Hawaii nang maaga nitong Miyerkules, Agosto 6, habang sumisikat ang araw. Makikita sa video ng USGS ang matinding pagsabog, may mga lava fountain, daloy ng lava, at lava pool sa loob ng summit caldera.
Ayon sa USGS, isa ang Kilauea sa pinaka-aktibong bulkan sa mundo. Mula pa noong huling bahagi ng 2024, may paulit-ulit na aktibidad na naitala sa bulkan.
Sa pinakahuling ulat ng USGS, nakita ang pagbukas ng bagong bitak o fissure, mas malakas na pagbuga ng lava, at mga sunod-sunod na maliliit na lindol sa paligid ng lugar.
Patuloy ang pagmamatyag ng mga eksperto sa kilos ng bulkan upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga residente sa paligid. Wala pang ulat ng pinsala o pagkasawi pero patuloy ang paalala ng pag-iingat.