
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, pero kailangan ko na talagang ilabas ‘to. Dalawang taon ko na itong pinapasan, at araw-araw parang sumasabog na ako sa dami ng sikreto na alam ko.
Noong 2021–2022, buhay namin simple lang o akala ko lang pala. One night, hindi ko sinasadya, nahuli ko si Mama na may kabit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung makita ko sila. Galit? Takot? Halo-halo.
That time, 37 years old si Mama, and the guy? 18 lang. Oo, mas bata pa sa akin. Hindi ko makalimutan yung pakiramdam na parang nabasag lahat ng respeto ko sa kanya. Ang sakit kasi siya yung inaasahan kong magiging role model ko.
Akala ko ako lang ang nakakaalam ng lihim niya. Pero later on, nalaman ko na alam din pala ng mga kapatid niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis, kasi wala ni isa ang nagsasabi kay Papa.
Ngayon 2025 na, at guess what?
Ongoing pa rin yung relasyon nila. Hindi fling. Hindi one-time thing. Tuloy-tuloy. And the worst part? Nasa iisang bahay lang kami lahat.
Every day, nakikita ko sila. Nag-uusap, nagtatawanan akala mo walang mali. Hindi ko rin alam kung alam na ni Papa na inaahas siya. Pero kilala ko si Papa madali siyang mag-init ng ulo, kaya natatakot din ako.
At hindi ko rin maipagkakaila, may galit ako kay Mama. Kasi bakit niya ginawa ‘to sa pamilya namin? Pero at the same time, natatakot ako sa magiging gulo pag sumabog ‘to.
Pero eto ang pinaka shocking twist sa lahat.
Handa ka na? Kasi hanggang ngayon, hirap pa rin akong paniwalaan na nangyayari ‘to.
Yung kabit ni Mama… siya rin ang boyfriend ng bunso naming kapatid.
Yes, you read that right.
Parehong lalaki ang karelasyon nila—si Mama at ang kapatid ko. At walang nakakaalam kundi ako.
Imagine mo ‘yon. Every time na nakikita ko silang tatlo under the same roof, parang gusto kong sumigaw. Minsan naiisip ko, dapat ba sabihin ko kay Papa? O dapat manahimik na lang ako? Pero paano kung sumabog na lahat at ako pa ang pagbuntunan ng sisi?
Hindi ko na alam kung kanino ako lalapit.
Kaya eto ako, nagtatapat dito. Kasi baka ito na lang ang paraan para kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.