
Ang isang teenager ay kasalukuyang ginagamot sa ospital matapos mahulog mula sa ferris wheel sa Lal-lo, Cagayan nitong Linggo ng gabi. Ayon sa pulisya, ang 18-anyos na biktima ay nananatiling walang malay ngayong Lunes.
Base sa imbestigasyon, nagkakarga pa lamang ng mga pasahero ang ferris wheel nang sumakay ang biktima kasama ang 12-anyos na kaanak. Habang nasa taas na halos ₱10 metro ang layo, bigla umanong dumungaw ang binatilyo, nahilo, at nadulas hanggang sa mahulog.
Ayon sa pulis, may armbar ang upuan ng ferris wheel pero walang seatbelt na nakakabit. Agad na rumesponde ang mga rescuer at dinala ang biktima sa kalapit na ospital para sa gamutan.
Ipinatigil na ang operasyon ng ferris wheel at iba pang carnival rides bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Lal-lo. Plano ng mga awtoridad na magsampa ng kaso ng reckless imprudence resulting in physical injury laban sa may-ari, operator, at helper ng ferris wheel.