Ang ZYON Helmets, isang Spanish startup, ay nagbukas ng pre-order para sa kanilang unang high-tech helmet matapos ang dalawang taon ng development. Tinaguriang “pinakamatalinong” helmet sa merkado, ito ay may mga tampok na bihirang pagsamahin sa isang produkto. Kasama dito ang pollution filtration system, integrated rear brake light, at electronic sensors para sa dagdag na kaligtasan.
Ang helmet ay may apat na layer na disposable filter na binubuo ng H13 HEPA at activated carbon layer. Kayang alisin nito ang higit sa 99% ng pollutants, toxic gases, alikabok, at allergens habang nagmamaneho. May malaking air intake sa chin area at twin exhaust sa likod upang masigurong malinis ang hangin na malalanghap. Ang bawat filter ay tumatagal ng isa hanggang tatlong buwan at may kasamang 12 piraso. May sensor din ang helmet para malaman kung kailan kailangan palitan ang filter.
May kasamang mobile app na pwedeng i-download para subaybayan ang air quality bago at pagkatapos ng filtration. Bukod dito, may crash detection system na may GPS auto-alert para ipaalam sa iyong emergency contacts kung may aksidente. Gumagamit din ito ng wear and tear algorithm na nagsasabi kung oras na para palitan ang helmet. Ang ZYON ay certified sa ECE 22.06 at may MIPS para sa dagdag na proteksyon.
May built-in na motion-activated rear brake light na umiilaw depende sa iyong pagpreno, na nagbibigay ng 180° visibility. Ang rechargeable USB-C battery nito ay tumatagal ng hanggang 18 oras sa isang full charge. Handa na rin ito para sa intercom system, na may earmount slots.
Ang pre-order price ay nasa ₱41,000 (mula €720), at ang regular na presyo ay nasa ₱45,000 (mula €799). Ayon sa CEO ng ZYON, inaasahang sisimulan ang produksyon sa Disyembre 2025 at ilalabas sa merkado pagsapit ng kalagitnaan ng 2026.