
Ang mga biktima ng kampanya laban sa droga ay nanawagan sa International Criminal Court (ICC) na huwag payagan ang hiling ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang pagdedesisyon sa usapin ng hurisdiksyon sa kanyang kaso.
Sa mosyon noong Hulyo 24, sinabi ng Office of Public Counsel for Victims (OPCV) na ang apela ni Duterte ay walang tamang basehan at salungat sa interes ng mga biktima. Binatikos din nila ang depensa ni Duterte dahil umano sa haka-haka at pagbanggit ng mga bagay na walang kaugnayan sa usapin ng ICC.
Nabanggit ng ICC na may inilabas nang arrest warrant laban kay Duterte kaugnay ng crimes against humanity sa kanyang war on drugs. Ayon sa OPCV, mahalaga ang mabilis na desisyon dahil may karapatan ang mga biktima na magkaroon ng legal na kasiguraduhan.
Dagdag pa ng OPCV, ang pagpapaliban ng desisyon ay hindi makakabuti sa hustisya at magdudulot lang ng pag-aaksaya ng oras at resources. Ang usapin ng hurisdiksyon ay hindi lamang tungkol kay Duterte kundi pati na rin sa iba pang posibleng kaso sa Pilipinas.
Si Duterte ay nahaharap sa mga kaso kaugnay ng umano’y pagpatay ng Davao Death Squad at operasyon ng pulis mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019. Inaasahan na magdedesisyon ang ICC tungkol sa kumpirmasyon ng mga kaso sa darating na Setyembre 23.