Ang Russia’s Far East ay niyanig ng isang malakas na lindol na may lakas na 8.7 magnitude, na nagdulot ng tsunami at nagbunsod ng malawakang evacuation sa ilang bansa kabilang ang Japan at Hawaii.
Ayon sa mga opisyal, ang lindol ay tumama malapit sa Kamchatka Peninsula, partikular 126 km silangan ng Petropavlovsk-Kamchatsky, isang lungsod na may 165,000 residente. May lalim itong 19.3 km, ayon sa U.S. Geological Survey. Dahil dito, naitala ang tsunami na may taas na 3-4 metro sa ilang bahagi ng Kamchatka.
Nag-utos ng evacuation ang pamahalaan ng Japan sa ilang lugar, matapos ilabas ng Japan Weather Agency ang babala ng tsunami na maaaring umabot hanggang 3 metro. Sa Hokkaido, iniulat na tumakas ang mga residente at manggagawa patungo sa mas mataas na lugar. Ayon sa NHK broadcaster, "Mangyaring lumikas kaagad at pumunta sa ligtas na lugar."
Sa Hawaii, naglabas ng babala ang Department of Emergency Management: "Take Action! Destructive tsunami waves expected." Nagkaroon din ng evacuation order sa Severo-Kurilsk, ayon kay Sakhalin Governor Valery Limarenko.
May mga naitalang sugatan habang nagkakagulo sa paglikas. Ayon sa mga ulat, karamihan ay nasaktan habang nagmamadali sa paglabas, at may isa pang tumalon mula sa bintana. Gayunpaman, sinabi ng mga opisyal na nasa ligtas na kondisyon ang lahat ng pasyente.