Ang pop icon na si Dua Lipa ay nakipagtulungan sa Porsche para gumawa ng isang espesyal na 2024 Porsche 911 GT3 RS. Ang kakaibang sasakyan na ito ay ipinakita sa 2025 Monaco Grand Prix at kasalukuyang ipinapa-auction sa pamamagitan ng RM Sotheby’s.
May custom livery na idinisenyo mismo ni Dua Lipa, na nagpapakita ng makukulay na kombinasyon ng turquoise, pula, ginto, at dark green, inspirasyon mula sa kanyang Radical Optimism world tour. Nakita ito sa Monte Carlo kung saan mismong si Dua Lipa ang nagmaneho sa race weekend.
Sa performance, ang GT3 RS ay may 4.0L flat-six engine na umaabot ng 9,000 rpm at nagbibigay ng 518 hp, gamit ang 7-speed PDK gearbox. May Weissach Package din ito na nagpapagaan ng bigat ng 22 kilo, kasama ang Porsche Ceramic Composite Brakes at magnesium wheels na kulay Satin Pyro Red. Kayang tumakbo mula 0-62 mph sa 3.2 segundo at may top speed na 184 mph.
Lahat ng kita mula sa auction ay mapupunta sa Sunny Hill Foundation, charity ni Dua Lipa na sumusuporta sa arts at culture ng Kosovo. Layunin nitong tulungan ang kabataang Kosovan sa pamamagitan ng STEM scholarships at music programs. Ayon sa RM Sotheby’s, ang halaga ng kotse ay mahigit $470,000 USD at bukas ang bidding hanggang Agosto 1, 2025.