
Ang Alex Eala, tennis star ng Pilipinas, ay natanggal sa US Open 2025 matapos ang talo sa ikalawang round laban kay Cristina Bucsa ng Spain, 6-4, 6-3. Si Eala, world no. 75, ay nakagawa ng 21 unforced errors at hindi nasulit ang kanyang break points.
Nagkaroon pa ng 4-3 na lamang si Eala sa unang set, pero hindi niya na-convert ang dalawang break points. Sa sunod na laro, nakapuntos si Bucsa gamit ang forehand at ace na naging simula ng kanyang pagdomina. Sa huli, nakuha ni Bucsa ang set matapos mag-error si Eala.
Sa second set, isang double fault ni Eala ang nagbigay ng 3-2 na abante kay Bucsa. Kahit nakahabol sandali, hindi niya napanatili ang momentum. Binreak muli ni Bucsa ang serve sa ikapitong laro at tinapos ang laban.
Kahit talo, malaking tagumpay pa rin ang US Open para kay Eala. Siya ang unang Pinay na nakapanalo ng singles match sa isang Grand Slam matapos talunin ang seed no. 14 na si Clara Tauson sa first round. Bukod dito, kilala na siya sa kanyang Cinderella run sa Miami Open kung saan tinalo niya pati dating world no. 1 na si Iga Swiatek.