
Ang matagal ko nang hinala ay tuluyan nang napatunayan—may relasyon ang bf ko sa sarili niyang tita. Noong una, parang ayaw kong paniwalaan dahil magkamag-anak sila at iniisip ko na baka normal lang ang closeness nila. Pero habang lumilipas ang panahon, iba na ang nakikita ko. Iba na ang kilos nila kapag magkasama. Sa kapatid niya hindi siya ganoon ka-close, pero sa tita niya, sobra ang lambing at atensyon.
Bilang girlfriend, ako ang hindi niya madala sa malalayong lakad, pero si tita niya, lagi niyang kasama. Hindi ko na kailangan ng ibang magpaliwanag kasi girl’s instinct ko na mismo ang nagsabi na may mali. At totoo nga—lahat ng hinala ko nag-connect at napatunayan ko.
Hindi ko ito ginagawa para ipahiya siya, kundi para maglabas ng sama ng loob at ipaalala na mali ang ginagawa nila. Kung tutuusin, pareho nilang ginusto, kaya walang pwedeng magturo kung sino ang nagsimula. Sinasabi lang ng iba na baka dahil sa “tawag ng laman,” pero para sa akin, hindi sapat na dahilan ‘yun para pumatol sa sariling dugo. Ang dugo ninyo magkadikit, pero bakit niyo pinili ang mali?
Naiintindihan ko ang hirap ng buhay niya—wala silang magulang na gumagabay, pareho silang parents-less, pero hindi sapat na rason para magtulungan sa maling paraan. Dapat siya ang nagprotekta sa tita niya bilang pamangkin, hindi ginawa pang shota. Masakit isipin na ako na girlfriend niya, na nagbigay ng tiwala at pagmamahal, ang siyang talagang nasaktan nang sobra. Lahat ng effort ko, lahat ng ibinigay ko, parang tinapon niya lang.
Hindi ko ma-gets kung paano niya nagawang patulan ang tita niya. Marami na ring nakakakita ng kakaibang closeness nila kahit akala niya wala. At sa totoo lang, hindi lang ako ang nakakapansin—pati mga malapit sa kanya. Pero pinili niyang ipagpatuloy ang relasyon na alam naman niyang mali at nakakahiya.
Kung tutuusin, wala na sigurong magagawa pa. Hindi na siya ang lalaking nakilala ko dati—nagbago na siya. Sana bago mahuli ang lahat, maisip niya ang bigat ng kasalanan niya. Sa bahay pa sila magkasama kaya mas naging madali para sa kanila ang relasyon. Pero sana, tigilan na nila bago pa tuluyang lumala at masira ang pangalan nila.
Ginawa ko itong confession hindi lang para ilabas ang sakit na nararamdaman ko, kundi para maging awareness sa iba. Kung iniisip mo na normal lang ang closeness ninyo ng kamag-anak, sana huwag mong hayaan na humantong sa bawal na relasyon. Hindi ito biro. Nakakahiya, nakakasira ng pamilya, at higit sa lahat, mali sa harap ng tao at ng Diyos.
Ngayon, tanggap ko na lang na tapos na kami. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang mapatawad, pero alam ko kailangan ko na ring bumitaw. Ang hiling ko lang, sana magbago siya, sana tumigil na sila, at sana hindi na maulit sa iba ang ganitong klaseng kwento.