Ang takot ang bumalot sa Denver International Airport nang magliyab ang preno ng American Airlines Flight 3023 habang papalipad patungong Miami. Ayon sa ulat, nagkaroon ng mechanical issue habang bumibilis sa runway kaya napilitang huminto ang eroplano.
Dahil sa biglaang full stop, nasunog ang preno at nagkaroon ng blown tires. Agad namang kumilos ang crew at pina-slide palabas ang lahat ng 173 pasahero at 6 crew members gamit ang emergency slides.
Isa sa mga pasahero ang nagtamo ng minor injury at dinala sa ospital para sa medikal na pagsusuri. Nakuhanan pa sa social media ang makapal na usok mula sa ilalim ng eroplano habang nag-evacuate ang mga tao—kabilang ang isang lalaki na nadapa habang buhat ang bata.
Iniimbestigahan na ng Federal Aviation Administration (FAA) ang insidente bilang bahagi ng mas mahigpit na aviation safety measures sa US.