
Ang singer na si Chappell Roan ay handa nang ilabas ang matagal nang inaabangang kanta na “The Subway.” Kamakailan, napansin ng fans ang mga teaser posters na nakasabit sa New York City at isang maikling video clip mula sa verified fan account. Wala pang opisyal na petsa ng release, kaya manatiling nakaabang para sa mga susunod na update.
Noong Hunyo 9, 2024, unang ipinakita ni Roan ang kantang “The Subway” bilang unreleased track sa kanyang performance sa Governor’s Ball sa New York City. Kasama si Dan Nigro sa pagsulat, ang kanta ay isang downbeat country ballad na nagsasalaysay ng lungkot ng isang messy breakup sa isang maliit na lungsod kung saan mahirap iwasan ang ex.
Ang balitang ito ay kasunod ng huling single ni Chappell na “The Giver” na inilabas noong Marso 13 ngayong taon. Sa kabilang banda, noong Hulyo 5, 2025, nakumpirmang ang kantang “Good Luck, Babe!” ang isa sa pinakamatagal na nag-chart sa Pilipinas. Umabot ito sa No. 8 sa Billboard Philippines Hot 100 at nanatiling popular bilang kanyang tanging single noong 2024.