Ang mga jail officer sa Manila ay nahuli ang isang babaeng bisita na nagtangkang magpasok ng 12 plastic sachet ng tobacco na itinago sa loob ng turon at maruya. Nangyari ito noong Linggo, Hulyo 13, sa Manila City Jail Annex, ayon sa ulat ng BJMP-NCR.
Kinilala ang babae sa pangalang "Jen", at agad siyang pinagbawalan ng tuluyan na bumisita sa kulungan. Sabi ng BJMP, ito ay alinsunod sa mga patakaran ng visitors’ regulatory board para maiwasan ang mga iligal na gawain.
Naglabas ng pahayag ang BJMP-NCR sa kanilang Facebook post:
"No sweet escape for contraband in turon!"
Dagdag pa nila, mahigpit ang seguridad at hindi nila pinapalampas ang ganitong klase ng paglabag. Ang sinumang lalabag ay maaaring makasuhan at tuluyang mawalan ng karapatang bumisita.
Nag-viral rin ang balita sa isang Philippine Reddit community, kung saan maraming netizen ang nagbigay ng nakakatuwa at nakaka-gutom na komento. Sabi ng isa, "Respeto naman sa turon!" habang ang iba'y napa-crave pa sa turon dahil sa hitsura nitong masarap at caramelized.
Paalala ng BJMP mula pa noong 2020, ang sigarilyo at tobacco ay bawal sa loob ng mga kulungan at itinuturing na contraband. Kaya’t huwag subukang magpuslit — kahit gaano pa ito katamis na balot sa turon.