Ang Tech CEO at HR chief ay nahuli sa cam na naghahalikan sa Coldplay concert. Isang bagong video ang lumabas kung saan makikitang mas sweet pa sila bago pa man ang viral na kiss-cam moment.
Ibinahagi ng TMZ ang clip nina Astronomer CEO Andy Byron at HR chief Kristin Cabot habang magkayakap at sumasayaw sa tugtog ng "Yellow" ng Coldplay. Nakuha ito mula sa likod ng kanilang upuan, kung saan malinaw na silang dalawa ay close at naghalikan din.
Matatandaang naging usap-usapan ang dalawa matapos mahuli sa kiss cam—kung saan makikitang niyakap ni Byron si Cabot mula sa likod pero bigla ring bumitaw at nagtago ng mukha sa hiya.
Umani ng maraming memes at spoof videos online ang kanilang kilos sa concert. Marami ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon sa social media.
Matapos ang issue, si Byron ay pansamantalang nag-leave habang si Cabot naman ay suspendido. Kumpirmado ng Astronomer na may formal na imbestigasyon na ginagawa ngayon.