Ang WWE ‘Raw’ ay opisyal nang lumipat sa Netflix mula sa USA Network, simula Enero 2025. Layunin ng WWE at Netflix na mas mapalapit ang sikat na wrestling show sa mas maraming manonood sa buong mundo. Ayon kay WWE President Nick Khan, malaki ang naabot ng Netflix at oras na raw para magsanib-puwersa sila ng WWE.
Sa halagang higit $5 bilyon, nakuha ng Netflix ang karapatang i-stream ang WWE Raw, Smackdown, at Wrestlemania sa loob ng 10 taon. Isa ito sa mga hakbang ng Netflix para palawakin ang kanilang live programming, kasunod ng tagumpay ng live streaming ng boxing at football.
Para kay Bela Bejaria, Chief Content Officer ng Netflix, personal ang koneksyon niya sa WWE. Lumaki siyang nanonood ng wrestling kasama ang kanyang lolo. Naniniwala siya na ang WWE ay may malawak at multi-generational na fanbase. Aniya, ang pagsasama ng WWE at Netflix ay natural lang dahil parehong malaki ang kanilang komunidad.
Simula ngayong taon, lalawak pa ang mga event ng WWE sa ibang bansa tulad ng “Raw” at “Smackdown.” Isa sa mga highlight ng unang live episode sa Netflix ay ang paglabas nina John Cena, Roman Reigns, at Cody Rhodes. Ang palabas ay mapapanood linggo-linggo sa Netflix sa mga bansang tulad ng U.S., Canada, at Latin America — at darating naman sa India sa Abril.
Kahit may kaunting pag-aalala sa live streaming glitches, kampante ang WWE. Ayon kay Paul Levesque, WWE Chief Content Officer, kahit magka-problema man sa simula, kung makakakuha sila ng milyon-milyong views ay sulit pa rin ito.