Ang dating senador na si Francis Tolentino ay hindi na puwedeng pumunta sa China, Hong Kong, at Macao. Ipinatupad ang parusang ito matapos niyang ipagtanggol ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
Ayon sa tagapagsalita ng Chinese foreign ministry, tinawag nilang “egregious conduct” ang kanyang ginawang suporta sa Philippine Maritime Zones Act. Idiniin ng China na patuloy nilang poprotektahan ang kanilang soberanya, seguridad, at interes kahit may mga politiko sa Pilipinas na tutol sa kanila.
Matagal na raw na may ilang anti-China politicians sa bansa na gumagawa ng mga hakbang at pahayag na nakakasama sa relasyon ng Pilipinas at China.
Sinabi naman ni Tolentino na tinatanggap niya ang sanctions laban sa kanya dahil sa kanyang paninindigan para sa mga Pilipino. Para sa kanya, ang ipinataw na parusa ay isa umanong “badge of honor.”