Ang isang babae ang namatay matapos siyang matumba at aksidenteng pumailalim sa paparating na pick-up truck sa San Jose Del Monte, Bulacan kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Robie, taga Brgy. Bigte, Norzagaray. Nangyari ang aksidente bandang 8:30 ng umaga sa kahabaan ng Tialo, Brgy. Minuyan Proper.
Sa isang viral Facebook post, makikitang pilit pang bumangon si Robie kahit nangingisay matapos masagasaan, pero ilang sandali lang ay muli siyang bumagsak sa kalsada.
Dinala pa siya ng mga sumaklolo sa pinakamalapit na ospital para sa paunang lunas, pero hindi na siya umabot ng buhay.
Ayon sa ilang netizens, posibleng nasagi muna ang babae kaya siya natumba at tuluyang nasagasaan. Naka-flash alarm na ang truck na sangkot habang wala pang opisyal na ulat mula sa mga awtoridad.