Ang siyam na Koreano ay inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) noong Miyerkoles sa isang condominium unit sa Parañaque City.
Nahuli ang mga suspek habang gumagamit ng mga computer station na may nakahandang script para sa kanilang lending scam. Target umano nila ang mga tao mula sa ibang bansa.
Ayon sa kinatawan mula sa gobyerno ng Korea, ang operasyon ng grupo ay bahagi ng isang international online loan scam.
Pansamantalang nakakulong ang mga dayuhan sa NBI Organized and Transnational Crime Division. Ililipat sila sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig City.
Ayon sa BI, patuloy ang pakikipagtulungan nila sa mga lokal at international law enforcement agencies para hindi maging kanlungan ng mga cybercriminal ang Pilipinas.
j5jpvl
gyr0l1
lx8cge