
Ang mga bombero ay rumesponde sa sunog na umabot sa ika-4 na alarma sa isang residential area sa M. Dela Fuente Street, Sampaloc, Manila nitong Miyerkules.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga bahay kaya agad na itinaas ang alarma upang humingi ng dagdag na puwersa at kagamitan. Maraming residente ang agad na pinalikas para sa kanilang kaligtasan.
Ayon sa mga awtoridad, naideklarang kontrolado ang sunog dakong 1:45 AM matapos ang ilang oras na pag-apula ng apoy.
Wala pang ulat kung ilan ang naapektuhan o kung ano ang sanhi ng insidente. Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.