
Ang Figuarts ZERO Touche Metallique na Guts (Berserker Armor) ay isang bagong collector's item mula sa sikat na serye na Berserk! Inilabas ng TAMASHII NATIONS ng Bandai Spirits, ang figure na ito ay inspirasyon sa intense na labanan ni Guts kontra sa Sea God habang suot ang Berserker Armor. May sukat itong 35cm ang taas at may presyo na 22,000 yen. Inaasahang ilalabas sa Enero 2026.
Sa kwento ng Berserk, suot ni Guts ang armor na gawa ng mga dwarf na may kakayahang palakasin ang kanyang galit, kaya't kaya niyang lumaban na tila walang pakiramdam sa sakit. Sa ilalim ng galit, nagiging parang halimaw ang kilos niya—isang makapangyarihang eksena na binigyang-buhay ng sculptor na si Ryu Oyama!
Ginamitan ang figure ng electroplated at normal na paint finish, kaya’t talagang kapansin-pansin ang metallic shine at detalye ng armor. Maging ang mata ni Guts ay kulay metallic red, na nagpapahiwatig ng kanyang matinding galit at sakit. Hawak rin niya ang iconic na Dragon Slayer sword, handang rumagasa sa kahit anong kalaban!
Kung fan ka ng Berserk o mahilig sa high-quality anime figures, siguradong kailangan mong abangan ito. Astig, detalye kung detalye, at punong-puno ng action vibes!