
Isang riding-in-tandem ang nanloob sa sasakyang nakaparada sa Sumulong Highway, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal noong hapon ng May 25. Ayon sa 57-anyos na biktima, iniwan siya sa passenger seat ng asawa habang bumaba ito para bumili. Habang naghihintay siya, biglang binuksan ng isang lalaki ang pinto at kinuha ang bag niya.
Sakay agad ng motorsiklong nakaabang ang suspek matapos makuha ang bag. Tumakas ito papuntang Masinag, Antipolo. Ayon sa Cainta Police, madalas targetin ng mga magnanakaw ang mga sasakyang may nakikitang mahalagang gamit sa loob. Kabilang sa mga natangay ay P40,000, dalawang cellphone, at mga ID ng mag-asawa.
Sabi ni PCMS Nerico Sulit ng Cainta PNP, kalakaran ng mga salarin ang magsuot ng motor taxi uniform o pekeing uniporme ng ride-hailing app para hindi mahalata. Walang narekober na malinaw na CCTV footage sa lugar ng insidente dahil nagka-aberya ang mga camera.
Nagpapaalala ang pulisya sa publiko na panatilihing naka-lock ang mga pinto ng sasakyan at iwasang mag-iwan ng mga importanteng gamit sa loob, lalo na sa mga hindi ligtas na lugar.