Ang Polaroid ay nakipag-collab sa MoMA (Museum of Modern Art) para sa Now Generation 3 MoMA Edition — isang limited edition instant camera na may halong sining at teknolohiya. May kulay na monochrome blue ang camera at may naka-display na MoMA logo sa harap. May kasama itong tatlong makukulay na wrist straps na may graphic design.
Ang camera ay may two-lens autofocus para sa malinaw na kuha kahit anong ilaw. May double exposure mode rin ito na pwedeng pagpatung-patungin ang dalawang larawan, perfect para sa mga mahilig sa artistic photography. May kasama rin itong human-friendly flash para natural ang kuha sa gabi o madilim na lugar.
Kasama sa special edition na ito ang limited i-Type color film na may 12 unique na disenyo ng frame. Nilagyan ito ng mga quotes mula sa sikat na artists tulad nina Vincent van Gogh, Betye Saar, at Milton Glaser. Ang film na ito ay swak sa creative style ng camera at hinihikayat ang users na maging malikhain sa pagkuha ng litrato.
Ang camera at film na ito ay mabibili sa halagang $130 USD sa Polaroid, MoMA Design Store, at piling tindahan.