
Agad naaresto ang dalawang suspek sa tangkang panloloob sa isang Indian national sa Malabon City kahapon, ayon sa ulat ng mga otoridad.
Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin, sinundan umano ng mga suspek ang 36-anyos na biktima hanggang sa mismong bahay nito. Nang manlaban ang biktima, ito ay nabaril sa braso.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Malabon City Police Station, kaya agad ding nahuli ang mga suspek. Napag-alamang may dati na silang kaso ng robbery.
Dagdag pa ni PMGen. Aberin, mas makakaasa ngayon ang publiko ng mas mabilis na aksyon mula sa pulisya dahil sa mas pinaigting na presensya ng mga pulis sa kalsada sa buong Metro Manila.
Tags: Headline News