asawang si Dominique Benitez, na nagsampa ng kaso sa ilalim ng VAWC law (Republic Act 9262). Ayon sa reklamo, nakaranas umano ng emotional at psychological abuse si Dominique dahil sa di umano’y pagtataksil ni Benitez at ugnayan nito sa aktres at vlogger na si Ivana Alawi.
Base sa sinumpaang salaysay, sinabi ni Dominique na kinumpirma niya ang pagtataksil ni Benitez matapos mabasa ang petisyon para sa annulment, kung saan umano'y inamin ni Benitez na may dalawang anak siya sa labas ng kasal at may relasyon kay Ivana. Dagdag pa ni Dominique, labis siyang nasaktan at nadurog sa katotohanang matagal nang nililihim sa kanya.
Sa pahayag ng kampo ni Benitez, itinanggi nito ang mga paratang at kinuwestyon ang motibo ng reklamo, na isinampa matapos siyang magsimula ng annulment noong 2024. Aniya, lahat ng ari-arian at gastos ng pamilya, kabilang ang negosyo at pamumuhay ng kanyang asawa, ay siya ang gumagastos, kahit hiwalay na sila mula pa noong 2004.