Ang Concorso D’Eleganza Villa D’Este 2025 ay ginanap nitong weekend sa Lake Como, Italy. Isa ito sa mga pinaka-prestihiyosong car shows sa buong mundo. Tampok dito ang napakaraming classic cars, restomods, at concept vehicles na bihirang makita sa publiko.
Ang event ay inorganisa ng BMW Group Classic kasama ng Grand Hotel Villa D’Este. Sa loob ng tatlong araw, ipinakita ang mga sasakyang may makasaysayang halaga, kakaibang disenyo, at mataas na antas ng preservasyon. Kasama rin ang parallel show na FuoriConcourso, na ginanap malapit sa Lake Como.
Tampok sa event ang mga sikat na sasakyan gaya ng McLaren F1 GTR, Ferrari F40 LM, at Lamborghini Diablo SV-R. Dinumog rin ng tao ang mga hypercars gaya ng Pagani Huayra Epitome at Koenigsegg CCX. Ang restomods tulad ng Kimera EVO37 at EVO38 at Marc Philipp Gemballa MARSIEN ay naging sentro ng atensyon.
Bukod sa mga ipinakitang sasakyan, pumili rin ng mga nanalo ang grupo ng mga eksperto. Batayan ng paghusga ang authenticity, disenyo, at kung gaano ito naalagaan. May mga kategorya rin para sa public voting at showcase ng mga car manufacturers.