Ang isang malaking sunog sa Hyderabad City, India ay nagresulta sa pagkamatay ng 17 katao at pagkasugat ng marami pang iba. Nangyari ito malapit sa Charminar monument, isang kilalang lugar sa southern India.
Ayon kay Federal Minister G. Kishan Reddy, ang sanhi ng sunog ay posibleng dahil sa short circuit. Mabilis itong kumalat sa loob ng tatlong palapag na gusali kung saan may 21 katao umano noong nagsimula ang insidente.
Agad na dinala sa pagamutan ang mga nasugatan habang patuloy ang imbestigasyon. Umabot ng isang oras bago tuluyang maapula ang apoy.
Ang insidente ay nagdulot ng takot sa mga residente at kalungkutan sa buong komunidad. Patuloy ang monitoring ng mga awtoridad para sa iba pang posibleng biktima.