Ang kilalang DJ sa Thailand na si Warapong ay natagpuang patay sa isang gubat sa Kanchanaburi, ilang araw matapos siyang mawala. Isa siyang 33-anyos na DJ na sikat sa party scene ng bansa.
Ayon sa ulat ng Thai media, nakatali ang kanyang mga kamay at may tama ng dalawang bala sa ulo. Base sa imbestigasyon ng pulisya, ito ay malinaw na kaso ng sinadyang pagpatay.
Sinasabing ang ugat ng krimen ay may kinalaman sa isang babae. Ayon sa balita, nagkaroon umano si DJ Warapong ng relasyon sa kasintahan ng isang kilalang drug lord.
Posibleng hindi matanggap ng big-time na kriminal ang nasabing ugnayan kaya’t ito’y nauwi sa trahedya. Isa na namang paalala — wag basta-basta makipaglaro sa apoy, lalo na kung babae ng “big boss” ang sangkot.