
Ang Filipino-American singer na si Cassie Ventura ay nagsalita sa korte laban sa dating nobyo na si Sean “Diddy” Combs. Ayon sa kanya, pinilit siya ni Diddy sa mga marahas at nakakahiyang sex acts, madalas ay may kasamang droga at iba pang tao. Aniya, “Gusto ko lang siyang mapasaya, kahit hindi ko na alam ang gusto ko.”
Ayon kay Cassie, siya ay binubugbog at minamaliit ni Diddy. Minsan pa raw ay inuutusan siyang umupo habang inaapakan ang kanyang ulo. Sa isang video mula taong 2016, makikitang binugbog at kinaladkad siya ni Diddy sa hallway ng isang hotel.
Sinabi rin ni Cassie na pinalilibutan siya ng mga bayarang sex workers, kadalasan ay lalaki, na binabayaran ng libo-libong dolyar. Ipinapagawa raw ni Diddy ang lahat ng ito habang siya ay lulong sa droga para lang kayanin ang sitwasyon.
Isang dating security guard at isang lalaking dancer ang nagpatunay sa korte tungkol sa mga nakita nilang pangyayari. Ang dancer ay inaming may relasyon sila ni Diddy at Cassie kapalit ng pera noong 2012 hanggang 2013.
Tumanggi si Diddy sa lahat ng paratang at sinabi ng kanyang abogado na ito ay isang toxic na relasyon, pero hindi ito sakop ng human trafficking at racketeering. Kung mapatunayang guilty, maaari siyang makulong habang buhay.