Ang Toyota ay naglabas ng bagong 2026 Corolla Hatchback FX Edition na may design na inspired ng '80s look ng FX16. Limited ito sa 1,600 units lang sa U.S., kaya siguradong magiging collector's item. May sporty style, retro na gulong, at FX16-inspired badge, ito'y perfect para sa mga mahilig sa classic look na may modern features.
Batay sa SE trim, may 18-inch white alloy wheels, black sport wing, at classic FX16-style badge sa likod. Sa ilalim ng hood, may 2.0L 4-cylinder engine ito na nagbibigay ng 169 horsepower at 33 MPG, kaya tipid na sa gas, malakas pa.
Sa loob, may black Sport Touring seats ito na may suede inserts at orange stitching. May kulay ding orange sa door panels, manibela at gear shift. Kasama rin ang 7-inch digital gauge at wireless charging pad.
May tatlong kulay: Ice Cap, Inferno, at Blue Crush Metallic. Standard na rin ang 8-inch multimedia system na may wireless Apple CarPlay, Android Auto, at "Hey Toyota" voice command. May mga trial din para sa Wi-Fi Connect, Remote Connect, at iba pang features.
Ang presyo ay ia-anunsyo sa mga susunod na buwan bago ito dumating sa dealerships ngayong fall.