Ang Microsoft ay naglabas ng dalawang bagong AI-powered Copilot+ PC – isang compact 12-inch Surface Pro at isang 13-inch Surface Laptop. Parehong gamit ang makapangyarihang Snapdragon X Plus processor, kaya’t asahan ang mabilis at smooth na performance.
Ang bagong 12-inch Surface Pro ay 2-in-1 device na puwedeng gamitin bilang tablet o laptop. Pinakamanipis at pinakamagaan ito sa buong Copilot+ PC lineup. May built-in kickstand, na-aalis na keyboard, at bagong disenyo kung saan puwedeng idikit ang Slim Pen stylus sa likod para sa charging at storage.
Ang 13-inch Surface Laptop naman ay gawa sa anodized aluminum at may mga simpleng update tulad ng USB-C fast charging (wala na ang lumang charging port). Sabi ng Microsoft, ito raw ang may pinakamatagal na battery life at mas mabilis pa sa MacBook Air M3.
Nagpakilala rin ang Microsoft ng bagong kulay – Violet at Ocean, kasama ng paboritong Platinum. Tatlong kulay na ang puwedeng pagpilian para sa bagong Surface models.
Maari nang mag-preorder sa website ng Microsoft. Presyo nagsisimula sa ₱45,000 / $799 USD para sa Surface Pro, at ₱50,000 / $899 USD para sa Surface Laptop. Ilalabas ang mga units sa May 20 sa U.S. at June 10 sa U.K.