Ang isang construction worker sa Ohio na si Marcus Miller, 23 taong gulang, ay namatay matapos mabagsakan ng pader habang nagtatrabaho sa isang housing site sa White Pond Drive, Akron. Nangyari ito anim na araw bago sana ang kanyang kasal.
Ayon sa mga ulat mula sa Cleveland 19 at iba pang lokal na balita, narinig ng mga kasamahan niya ang pagbagsak ng pader. Nang puntahan nila, wala na raw itong malay at hindi na humihinga.
Base sa ulat ni Gary Guenther, Chief Investigator ng Summit County Medical Examiner, sanhi ng pagkamatay ni Miller ay blunt force trauma sa ulo.
Nakasaad sa kanyang obituary na si Miller ay kilala sa kanyang mabait na ugali at palangiting mukha. Nakatakda na sana siyang ikasal ngayong linggo.
Iniwan niya ang kanyang fiancée, mga magulang, at mga kapatid. Patuloy pa rin ang imbestigasyon tungkol sa insidente.