Ang naarestong suspek sa pagpatay sa negosyanteng Chinese national na si Anson Que o Anson Tan at ang driver nito ay nagsiwalat na anak mismo ng negosyante ang nasa likod ng krimen. Ayon sa suspek, si Ronxian Gou o Alvin Que, ang mastermind sa nangyaring insidente.
Dahil dito, inirekomenda ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Department of Justice na imbestigahan si Alvin Que. Batay sa mga initial na imbestigasyon, nagsilbi si Alvin bilang negotiator ng pamilya habang hawak ng mga kidnappers si Que.
Siya rin ang nagbayad ng unang P10-M na ransom gamit ang isang cryptocurrency account noong Marso 31 at nagdagdag pa ng P3-M noong Abril 2. Tan at ang driver nito ay natagpuang patay noong Abril 9.