
Ang 12-anyos na biktima na si "Angel" ay natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Nabunturan, Davao de Oro nitong Lunes ng umaga. Duguan ang higaan, sahig, at pader sa kwarto ng bahay sa Brgy. Matilo, kung saan nakita ang menor de edad na binawian ng buhay matapos gilitan.
Nahuli naman agad ang suspek sa hot pursuit operations. Siya ay ang live-in partner ng tiyahin ng biktima. Inamin ng suspek ang krimen at sinabi niyang kinuha rin niya ang alkansya ng bata na may P2,000 sa loob.
Isasailalim sa medico legal ang katawan ng biktima upang matukoy kung totoo ang alegasyong hinalay ito bago pinatay. Isasampa na ang kasong murder laban sa suspek.