Ang saksi na si Sheldon Nipshank ay nagkwento ng matinding takot matapos ang car attack sa Vancouver, Canada noong April 26. “Hindi ko inakala na paggising ko, makakakita ako ng sobrang daming bangkay. Sobrang traumatic,” sabi niya.
Naganap ang insidente sa gitna ng isang Filipino cultural festival kung saan isang truck ang biglang sumagasa sa crowd sa isang pedestrian zone. Aabot sa 11 katao ang namatay at marami ang nasugatan. Agad namang rumesponde ang mga emergency personnel para tumulong sa mga biktima.
Ayon sa mga awtoridad, nahuli na ang suspect na may malalim na mental health history. Nilinaw rin nila na walang ebidensya ng terrorism sa naturang insidente, na naganap ilang araw bago ang halalan para sa bagong prime minister.
Ang mga biktima ay may edad mula 5 hanggang 65 taong gulang, ayon sa mga opisyal. Sinigurado ng Reuters ang lokasyon ng insidente gamit ang video verification, satellite imagery, at file metadata.